September 3, 2025
Sa ilalim ng temang nagtatampok sa kahalagahan ng wikang pambansa, ipinagdiwang ng Basic Education Department ng CGCI ang Buwan ng Wika 2025 ngayong araw, Ika-dalawampuβt siyam ng Agosto taong 2025. Idinaos ang mga gawain sa school grounds at sa ikalimang palapag ng Core 5 Building, na dinaluhan ng mga mag-aaral mula K-6, Junior High School, at Senior High School.
Pinangunahan ng mga punong gurong tagapayo ang mga programa mula umaga hanggang hapon. Naging makulay ang pagdiriwang dahil sa mga mag-aaral na nakasuot ng Barong at Filipiniana habang lumalahok sa mga iba't ibang patimpalak. Ang bawat pagtatanghal ay naging salamin ng kanilang pagmamahal sa kultura at wika.
Sa huli, ang pagdiriwang ay nagbigay inspirasyon sa lahat ng dumalo na ipagpatuloy ang pagpapahalaga at paggamit ng Wikang Filipino bilang sagisag ng pagkakaisa at pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino.
Mabuhay ang wikang pambansa!
November 26, 2025
November 26, 2025
November 25, 2025
November 18, 2025
November 17, 2025