๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ ๐—˜๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ช๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—” ๐—œ๐—ก๐—™๐—ข๐—ฅ๐— ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—–๐—ฌ: ๐—๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฆ ๐—”๐—–๐—ฅ๐—ข๐—ฆ๐—ฆ ๐—ก๐—จ๐—˜๐—ฉ๐—” ๐—˜๐—–๐—œ๐—๐—” ๐—š๐—”๐—ง๐—›๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—š๐—”๐—œ๐—ก๐—ฆ๐—ง '๐—œ๐—ก๐—™๐—ข๐——๐—˜๐— ๐—œ๐—–'

Article Image

Cabanatuan City, Philippinesโ€”Due to the demand of fighting against false information, the Philippine Press Institute (PPI) conducted Scholastic Outreach Program on Media and Information Literacy (MIL), in collaboration with Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) and Hanss Seidel Foundation, attended by over 100 journalists across Region 3, ran from April 22โ€“23. 

 

From the College of Media and Communication, University of the Philippinesโ€”Diliman, Dr. Rachel Khan, shared meaningful perspectives on the promises and risks of Artificial Intelligence (AI), emphasizing its lack of a value system calls for responsible use.

 

The increase of efficiency and assistance on creative works are the advantageous part, however prone to dangers such as Misinformation, Job Replacement, Loss of Human Judgment, and Ethical Issues, reminding everyone that everything uploads in AI becomes public," according to Dr. Khan. 

 

In relation, a segment from Ms. Ronalyn 'Len' Olea of the National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), was raised concerns about data protection when using paid AI tools, encouraging participants to reflect on digital privacy and ethical safeguards.

 

Moreover, Ms. Joyce Paรฑares of PPI and Manila Standard explained differentiation of false information: misinformation, disinfirmation, and malinformation, while giving practical tips on how to verify content and avoid spreading fake news.

 

Additionally, Mr. Jes Aznar from the Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), stressed that although photos are seen as truth, they can mislead without ethics and visual literacy, noting that the photographerโ€™s intent shapes the narrative.

 

"Photo/Video or it never happened," Mr. Aznar gave lasting impression. 

On the second day in the segment of Elections and Narratives: Who Cares? (An Asian Perspective), Ms.Tess Bacalla, Editor-in-Chief, Asia Democracy Chronicles, explained that narratives contribute to how a nation perceives itself, to our idea of who we are, and what we stand for.

 

She added that political myths are on the rise and can manipulate reality; they run counter to truth and the public. Plus, reminding students to remember that every vote counts, so we should vote according to truth, not illusion. 

 

"Mag-ingat sa mga naratibo na pinararating ng mga kandidato, because it is meant to mask something that you will regret later on," Ms. Bacalla asserted.

 

Meanwhile, Ms. Julie Nealega, Head of Archives, Probe, approached the relevance of multimedia formats in disseminating information, particularly for Generation Z. Thus, featuring Mathilda Airlines, a content creator, advocate, and activist, joined to make the discussion more effective. 

 

Successfully, the seminar was concluded by briefing of a chance to get scholarships from Hanss Seidel Foundation, evaluation, photo opportunity, and distribution of certificates.

 

#CGCIStudPub

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | Makabagong Kasinungalingan ni Serberus: Mga Ka-Swapang sa Pwesto

Article Image

Sa bawat eleksiyon, laging may pangakong 'bagong simula.' Pero hindi na rin lingid sa atin, hindi talaga bago ang 'bago' โ€” mukha lang ang nag-iiba, hindi ang sistemang umiikot sa iisang apelyido.

 

"Makabagong kasinungalingan," "makabagong pangako," "makabagong liderato" โ€” paulit-ulit na lamang, parang sirang plaka.

 

Pero kapag sinilip mo ang mga kampanya, ang mga proyekto, at ang mga pangalan sa balota, mapapaisip ka, nasaan nga ba talaga ang bago? Bago lamang ba ang kasinungalingan, hindi ang mukha?

 

Tila hindi uso ang pagreretiro. Sa halip na magpahinga matapos ang mahabang panahon ng panunungkulan at pagpapasikat, tila ang sagot sa lahat ng problema ay hindi pag reretiro, kung โ€˜di ang pagpapalit lang ng titulo. Ibang upuan, parehong kilos.

Parang costume change lang sa isang palabas na matagal nang nabubulok ang script.

 

Parehong mga mukha, parehong kulay, parehong pamilya. Paikot-ikot lang tayo โ€” pamilyar na apelyido, parehong pangako, parehong layunin, pare-parehong Kasinungalingan. Parang larong musical chairs, palit ng puwesto, palit ng props, pero sila-sila pa rin ang nakaupo.

 

Ang makabagong kasinungalingan, sabi nila.

 

Pero sa bawat makintab na tarpaulin at scripted na ngiti, nakikita natin ang parehong tanawin; photo ops, proyektong pampabango ng pangalan, at mga pangakong kasing nipis ng papel ng flyers na kanilang i-pinamumudmod.

 

Mga institusyong dapat para sa tao,

tila naging negosyo para sa bulsaโ€™t ego.

Hindi serbisyo ang tunay na bida,

kundi pangalan at pormang pinapapogi sa kamera.

Sa halip na tunay na serbisyo, puro pagpapapogi sa mga TikTok at Facebook video.

Sa halip na bagong ideya, puro sayaw at pa-eksena.

 

Habang tuloy ang pagpapakawala ng tsismis, paninirang puri, at troll farms, walang tunay na diskursong lumalago โ€” puro ingay, puro ilusyon.

 

Ang pulitika ay tila naging family business โ€” hindi kung sino ang pinakakarapat-dapat, kundi kung sino ang pinakamalapit sa dugo.

 

Hindi tunay na bago ang pagpapalit ng puwesto,

kung ang ihip ng hangin ay sa luma pa rin patungo.

Hindi bago ang pangakong nakasabit sa apelyido,

hindi bago ang lideratong uhaw sa sarili nilang trono.

 

Hindi naman kasi tunay na bago ang pagpapalit ng posisyon. Hindi totoong may bagong liderato kung ang sistema ay mananatiling kontrolado โ€” kung iisang pamilya pa rin ang may hawak sa trono.

 

At nakakalungkot, kahit ilang halalan na ang lumipas, marami pa rin ang nabibighani sa kinang ng pangalan. Marami pa rin ang naniniwalang ang makintab na poster ay katumbas ng magandang serbisyo.

 

Pero sa kabilang banda, dumarami na rin ang bumibitaw โ€” mga dating sumuporta, ngayoโ€™y gising na sa reyalidad. Mga mata na datiโ€™y nakapikit, ngayo'y marunong nang kumilatis.

 

Ang tanong ngayon, sapat na ba ang bilang ng mga nagising para basagin ang siklo? O mananatili tayong nakabilanggo sa parehong sistema na nakabalot sa mga recycled campaign jingle, pero walang tunay na pagbabago?

 

Ngayong eleksiyon, hindi natin kailangang magpabudol sa pamilyar na ngiti at pangakong gasgas. Hindi natin kailangang magpasilaw sa โ€œmakabagoโ€ kuno na nakabalot sa lumang balat. Ang tunay na makabago ay hindi sumasakay sa pangalan, kundi sa prinsipyo. Hindi sa makintab na pangako, kundi sa matapang na pagsisilbi.

 

Ngayong eleksiyon, huwag na tayong palinlang sa paulit ulit na slogan. Hindi lahat ng kumikinang ay bago; hindi lahat ng matamis magsalita ay may balak magsilbi.

 

Hindi natin kailangang paulit-ulit na kumapit sa mga pangakong dati na nating nilunok. Hindi obligasyon ng mamamayan na bigyan ng ikalawang, ikatlong, ika-isangdaang pagkakataon ang mga pusong matagal nang pinili ang sarili kaysa sa bayan.

 

Kung gusto talaga natin ng makabago, panahon na para iwan ang mga lumang kwento โ€” mga kwentong paulit-ulit nating pinaniwalaan. Tama na sa paglunok ng mga pangakong kanila nang minsaโ€™y isinuka.

 

Ngayong eleksiyon, piliin natin ang bago hindi dahil sa pangalan โ€” kundi dahil sa prinsipyo.

Ngayong eleksiyon, piliin natin ang bago hindi dahil sa kinang โ€” kundi dahil sa tapang.

Ngayong eleksiyon, piliin natin ang bago hindi dahil sa drama โ€” kundi dahil sa tunay na gawang makatao.

 

๐˜’๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ต๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ,

๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ด๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ.

๐˜›๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ.

 

#UpholdingTheCoreTruth

#CGCIStudPub

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ | ๐—•๐—ฒ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐—น๐—น: ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—›๐—ผ๐—บ๐—ฒ, ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—ฟ๐˜, ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต

Article Image

The aroma of new pancit mixes with both the sunshine and the faint truck noise in this small stall. Plates clatter against the wooden tables as laughter-some familiar, some from passing strangers-fills the small space. Time slows down along the highway leading to Carranglan. After long-distance drives motor vehicle operators release their wheel control while stretching their exhausted limbs for relaxation. The teachers in school attire share stories across steaming plates containing rice with ulam. Each day sees the entrance of workers from different jobs as well as civil servants and sometimes politicians who can be found mingling among regular customers.

 

Generosity is the backbone of her stall, her hands moving with the ease of experience as she serves each customer. Throughout twenty-six years, Manang Laling has dedicated all her life to this bar. Every morning, she walks to the market holding a basket as she undertakes her search to select the perfect ingredients according to her sharp understanding. During the lunch hour a warm comforting scent of home-cooked meals emanates from this stall to invite all who walk past. The inviting scent becomes impossible for them to ignore.

 

Suki, her patrons from every social background while she operates her street stall. The truck driver finds this food stall to be his "munting tahanan" because he stops there after each long night driving. Both teachers and students find a place of comfort when exhaustion meets hot meals at this spot that serves as a reminder of service and sacrifice. The weary worker finds at this location a pause for relaxation that provides rest before returning to load-bearing responsibilities.

 

The number of sophisticated restaurants growing around Manang Laling's location does not cause her to yield her place. Among the permanently changing prices and wages and rising living costs she operates her stall with persistent opposition to commercialism. Manang Laling determines the value of her generosity through generosity itself rather than through currency. She stands firm against price increases from the new upscale carinderias that enter the market. She often accompanies these charitable acts by giving extra portions to anyone who needs it all while keeping a joyful expression on her face. "Basta mabalik lang ang puhunan," she declares. The people do not simply visit for food at her stall; they actually seek care from her in a day that forgets about those who are tired and hungry while working too much.

 

The moment I finish my meal while spooning my last bites I come to understand something important. Along the highway rests a small unpretentious eatery that was meant for more than just sustenance. This small stall served as a silent observer of people's tireless efforts combined with their unfaltering dedication while watching them enjoy precious moments of joy between enduring periods of struggle.

 

And then it hits me.

 

This isn't just any stall. This isn't just any woman.

 

She is my grandmother.

 

The tables underneath which I used to swing my feet during childhood remain in this same food establishment where I first ate as a child. She continues feeding me since my childhood days and now through my time in college while I regularly return to her place. This spot holds an everlasting connection to my heart because it remains the place which gave me

 

my first home.

 

Immense as it may be the time will come when the strength of home will slowly disappear. Time passes in my mind withquestions about the stall's future shutdown. What time will the final plate of food be served at this place? The absence of pancit aroma together with the sounds of plates clinking and the famillar greeting voice signaling the arrival of comforting meals creates sadness about the stall's end.

 

Maybe that's the thing about life-it never stops. moves forward, with or without us. But if there's one thing Manang Laling has taught me.

 

it's this:

 

Keep moving forward.

 

Not because we must leave the past behind, but because we carry it with us. In every lesson, in every sacrifice, in every act of kindness freely given, we bring pieces of those who came before us.

 

One day, Manang Laling's stall may no longer stand, but the people who have passed through it-the drivers who found a moment of solace, the teachers who took comfort in her warmth, the workers who drew strength from her generosity-will carry her memory forward in ways unseen but deeply felt.

 

If you're lucky enough to still have your grandparents, sit with them. Share a meal. Listen to their stories- before the day comes when you can only remember them. Because one day, when you find yourself searching for home, you'll realize it was never just a place-it was the love that built it.

 

#MothersDaySpecial

#UpholdingTheCoreTruth

๐——๐—˜๐—•๐—ž๐—ข๐—  | ๐—ฃ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ, ๐—ฃ๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ: ๐—ฆ๐—ฎ ๐—š๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†, ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜„

Article Image

       Sa bawat eleksyon, hindi maiiwasan ang pag-igting ng diskurso sa lipunan. Sa Halalan 2025, muling sumiklab ang mga talakayan-mula sa mga lansangan hanggang sa mga social media platform. Ngunit sa halip na makabuluhang palitan ng ideya, kadalasan ay nauuwi ito sa personalan at paninira. Sa ganitong klima, paano natin masisiguro na ang ating pagpili ay batay sa tamang impormasyon at hindi sa emosyon?

 

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐˜€๐—ผ

 

       Ang 2022 national and local elections ay nagtala ng 83% voter turnoutโ€”ang pinakamataas sa kasaysayan ng automated elections sa Pilipinas, ayon sa Commission on Elections (COMELEC). Ipinakikita nito ang mataas na interes ng mamamayan sa proseso ng halalan. Gayunpaman, kasabay ng pagtaas ng partisipasyon ay ang pagdami rin ng mga diskuwalipikadong kandidato. 

 

      Noong 2022, tinatayang may humigit-kumulang 47,853 kandidato ang tumakbo para sa 18,100 posisyon, ngunit hindi bababa sa 800 ang na-disqualify o nag-withdraw ng kanilang kandidatura dahil sa iba't ibang kadahilanan, kabilang na ang kakulangan sa kwalipikasyon o legal na isyu.

 

       Ang mga pampublikong debate ay nagsisilbing plataporma upang mas makilala ng mga botante ang mga kandidato. Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma at pananaw sa iba't ibang isyu. 

 

      Sa mga nakaraang halalan, ang mga debate tulad ng "PiliPinas Debates" ay naging mahalagang bahagi ng kampanya, bagaman hindi lahat ng kandidato ay dumadalo. Ang pagdalo sa mga ganitong porum ay nagpapakita ng kahandaan ng isang kandidato na humarap sa publiko at sagutin ang mga mahahalagang tanong.

 

๐—”๐—ป๐—ด ๐—˜๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐——๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—›๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป

 

       Sa kasalukuyang panahon, ang social media ay naging pangunahing daluyan ng impormasyon. Gayunpaman, ito rin ay naging kasangkapan ng disimpormasyon. Ayon sa isang pag-aaral ng tech firm na Cyabra, tinatayang 45% ng mga diskusyon kaugnay sa halalan ay pinapalaganap ng mga pekeng account, na may layuning manipulahin ang opinyon ng publiko . Ang ganitong uri ng "Digital Warfare" ay nagpapalabo sa katotohanan at nagpapalaganap ng maling impormasyon.

 

       Ang mga pekeng account na ito ay hindi lamang basta-basta; sila ay kumikilos nang may koordinasyon upang lumikha ng ilusyon ng malawak na suporta o pagtutol sa isang kandidato o isyu. Ang ganitong mga taktika ay nagpapahina sa integridad ng halalan at nagpapalito sa mga botante.

 

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—ถ

 

       Sa gitna ng ingay at disimpormasyon, mahalaga ang aktibong pakikilahok ng bawat botante sa pagsusuri ng mga impormasyon. Ang pagiging mapanuri at kritikal sa mga nababasa at naririnig ay susi upang makagawa ng matalinong desisyon. Ang pagdalo sa mga pampublikong porum, pakikinig sa mga debate, at pagbabasa ng mga mapagkakatiwalaang balita ay ilan lamang sa mga paraan upang mas mapalalim ang ating pang-unawa sa mga isyu at kandidato.

 

       Hindi sapat ang pagiging popular o ang dami ng tagasuporta ng isang kandidato. Ang tunay na sukatan ay ang kanilang kakayahan, integridad, at konkretong plano para sa bayan. Sa huli, ang kapangyarihan ng pagbabago ay nasa kamay ng bawat botante.

 

 ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐——๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€: ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜, ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ

 

       Bagaman ang pansin ng marami ay nakatuon sa mga national debate, hindi dapat isantabi ang kahalagahan ng pampublikong talakayan sa lokal na antas. Ang mga lokal na opisyal mula sa punong barangay, konsehal, hanggang sa alkalde at gobernador, ang direktang humuhubog sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa kanila nakasalalay ang mga programang pangkalusugan, edukasyon, imprastraktura, at iba pa. Kaya't nararapat lamang na kilatisin natin sila hindi lamang sa pangalan, kundi sa konkretong plano at paninindigan. Dito pumapasok ang malaking papel ng public debate upang maipakita ang kanilang kakayahan at tugon sa mga lokal na isyu.

 

       Sa maraming probinsya't bayan, nananatili ang tradisyon ng personality-based politics. Ngunit kung mabibigyang-daan ang mga lokal na debate sa mga paaralan, komunidad, o sa pamamagitan ng lokal na radyo at social media, mas mahihikayat ang mamamayan na suriin ang mga kandidato batay sa plataporma at hindi sa apelyido. Higit pa rito, ang presensya ng mga lokal na debate ay isang paalala sa mga kandidato na accountable sila sa mga botanteng direktang apektado ng kanilang pamumuno.

 

       Ang mga lokal na diskurso ay pagkakataon din para sa mga mamamayan na mailahad ang kanilang hinaing at katanunganโ€”isang mahalagang bahagi ng participatory democracy. Kapag bukas ang usapan at may espasyo para sa makatotohanang pagtatanong, nabibigyang-lakas ang mamamayan at nabubuo ang kulturang politikal na nakabatay sa katotohanan, pananagutan, at serbisyo.

 

๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™–๐™ก๐™–๐™ก๐™–: ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ฏ๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜-๐˜Š๐˜–๐˜™๐˜Œ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ข๐˜ธ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜บ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ ๐˜Ž๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ธ๐˜ข๐˜บ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ฆ, ๐˜๐˜ฏ๐˜ค. ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜-๐˜Š๐˜–๐˜™๐˜Œ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฑ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ค๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ด ๐˜ซ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ด๐˜ฎ.

 

#UpholdingTheCoreTruth

#CGCIStudPub

๐—Ÿ๐—ถ๐—ธ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐˜€ | Byahe Tungong Alapaap

Article Image

 Mas mainit sa karaniwan ang dapit hapon ngayong araw. Kumukupas ang araw sa kanluran, naiwan ang langit sa kalmot ng kahel at lilang ulap. Nakaupo sa tabing daan katapat ng gate ng paaralan, nakasandal ang likod sa bakal na kinakalawang. Tahimik lang. Wala nang maibuga. Bitbit ang mabibigat na gamit sa paaralanโ€”at mas mabigat pang isipโ€”para bang bawat hakbang mula sa huling klase ay kinakaladkad na lang ng pagod at pagtanggap.

 

 Wala nang kailangang sabihin. Magkakakabit na ang aming mga buntong-hininga, para bang laban na rin ang mismong pagbuga. Ramdam ko sa balikat nila ang pagod, sa mga mata nila ang pagkaubos. At sa sarili koโ€ฆ ewan. Para bang kahit anong pilit, hindi pa rin sapat.

 

Minsan, gusto ko na lang huminto. Hindi dahil tamad. Hindi dahil sumusuko. Pero kasi, ang hirap pala talaga. Akala ko dati, basta makapasok sa kolehiyo, ayos na. Hindi ko lubos naisip na araw-araw, parang may tanong kung kaya ko pa ba, kung para ba talaga 'to sa'kin.

 

 Kaya kahit lutang na sa pagod, sabay-sabay pa rin kaming tumayo. Walang usapan. Lakad lang. Sa tapat ng siomai-an, kumakaway ang usok ng mantika at mga kwek-kwek. Tila ba sinasabi nitong โ€œsandali lang, pahinga ka muna.โ€ At oo, kailangan nga namin 'yun. Kahit kaunting ligaya lang bago muling harapin ang mundo.

 

 Sa di kalayuan, may lumang Bluetooth speaker na nakasabit sa gilid ng kariton ng tinderong matagal na naming suki. Karamihan sa mga kantang tumutugtog ay luma na, pero sa gitna ng mga kalansing ng kawali at tilamsik ng mantika, lumutang ang pamilyar na intro ng isang kanta. 

 

๐—”๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ผ....

 

 Bulong ng boses ni Ely habang sumasabay ang amoy ng mantika at toyo.

 

 Tila may kumalabit sa loob ko. Ilang taon na pala akong patuloy na pinipilit ang sarili sa mundong laging may bawalโ€”bawal mapagod, bawal magkamali, bawal sumuko. Akala ko dati madali lang. Pero ngayon, habang hawak ko 'tong basong papel na may limang pirasong fishball, bigla akong natulala.

 

 Ang hirap pala talaga mag-aral. Hindi 'to gaya ng mga eksena sa pelikula. Wala masyadong montage. Wala masyadong background musicโ€”maliban na lang siguro sa ganitong pagkakataon. Kung kailan halos kaladkad ko na lang sarili ko pauwi, tapos biglang susulpot 'yung isang linya ng kanta para paalalahanan akongโ€ฆ totoo pala lahat ng โ€˜to. Totoo 'tong paglalaban.

 

๐—ฆ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ.

 

 Sobrang sakto. Kasi minsan, parang hindi na lang schoolwork โ€˜yung bigat. Parang ang sikip na sa dibdib, kahit wala namang nangyayaring mali. O baka sanay na lang talaga tayo sa hirap kaya kahit ayos naman, parang pagod pa rin.

 

Sabay-sabay kaming sumubo ng fishball. Parang pagod na galit na gutom na ewan. Isa-isa, nagsimula nang magbitaw ng rant.

 

โ€œPucha, ang daming kailangang ipasa. Parang hindi na nauubos.โ€

 

โ€œ'Yung prof natin kanina? Grabe, feeling ko kinain ako nung PowerPoint niya.โ€

 

โ€œAko nga eh, isang quiz na lang at officially wala na akong dignity.โ€

 

 Tawa. Sabay tawa. Pero โ€˜yung mga mata nila, pagod pa rin. Parang kahit anong biro, hindi kayang takpan 'yung bigat. At sa gitna ng halakhak, may lungkot pa rin na hindi matanggal.

 

 Pero habang pinapakinggan ko silang lahat, habang sinasambit nila 'yung mga pangambang halos araw-araw ko ring kinikimkim, parang may kumawala sa loob ko.

 

 Hindi lang pala ako ang pagod. Hindi lang pala ako ang minsang gustong sumuko. Hindi lang pala ako ang naiipit sa pressure, expectations, at takot. Lahat pala kamiโ€ฆ sinasakal.

 

 Pero andito pa rin kami. Magkakasama pa rin. At siguro 'yun 'yung dahilan kung bakit nakakayananโ€”kahit papaano. Kasi habang sinisigaw ng mundo na bawal mapagod, habang hinahabol ka ng deadlines, habang unti-unting nababawasan ang tiwala mo sa sariliโ€ฆ may mga kasama ka pa ring pipilit huminga. May mga kasama ka pa ring handang makinig, tumawa, at sabayan ka, kahit hanggang fishball lang muna ngayon.

 

At sa simpleng paghihingahan, sa pag-luwa ng pagod, parang gumagaan.

 

 Tahimik lang ako habang silaโ€™y nagkukuwento pa rin. Bawat sipsip sa fishball stick, bawat tawa, bawat hirit, parang lumalabo sa pandinig ko. Para akong nanonood ng pelikulaโ€”may mga taong masaya, nagtatawanan, pero hindi ako sigurado kung kasama ako sa eksena o isa lang akong tagapanood.

 

 Nakatitig na lang ako sa mantika. 'Yung kumukulong langis, parang tanawin na ilang ulit ko nang nakita, pero ngayon ko lang napansin. Ang usok, pumapailanlang, parang bumabalot sa amin, parang saglit na mundong hiwalay sa mga klase, exams, deadlines, at thesis.

 

Parang alapaap.

 

Parang biglang bumagal ang paligid. Hindi ko alam kung ilang segundo akong nawala sa ulirat. Pero ramdam koโ€”pagod na pagod ako. Hindi lang sa katawan. Sa lahat. Sa mismong loob.

 

At habang bumabagal ang mundo, parang bigla ko muling narinig, mula sa maliit na bluetooth speaker ng tindera...

 

Sa pagitan ng putol-putol na tawa at kwento, may narinig akong pamilyar. Mula uli sa maliit na bluetooth speaker na palaging katabi ng mga lalagyan ng sawsawan, patuloy ang kantang ilang ulit na naming narinig sa playlist ng jeepney, sa radyo ng kapitbahay, sa mga videoke sa kanto.

 

๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฎ, ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฎ....

 

Parang lumamig ang hangin. Parang tumigil ang mundo sa mismong linya ng kantang 'yon. At napapikit ako. Dahan-dahan. Huminga ng malalimโ€”hindi dahil gusto ko, kundi dahil parang kailangan.

 

Pagdilat ko, andoon pa rin sila.

 

Nagkukuwento, nagtatawanan, pero ramdam ko na sa likod ng mga tawang 'yon ay pagod ding katulad ng sa akin.

 

Pagod dahil hindi madali ang maging estudyante.

 

Hindi madali ang pilitin mong unawain ang isang subject kahit wala ka nang tulog.

 

Hindi madali ang ngumiti sa presentation kahit kabado ka nang sumabog.

 

Hindi madali ang magpasa ng papel na hindi mo na alam kung tama pa ba o basta matapos na lang.

 

At mas hindi madali ang tanggapin na may mga araw talagang kahit anong sipag mo, parang kulang pa rin.

 

 Kaya siguro ganito. Kaya siguro kailangan din ang mga ganitong gabi. 'Yung kahit limang pisong fishball lang, parang saglit na pahinga. 'Yung kahit mainit ang mantika, may kung anong init ding dumadaloy mula sa mga taong kasama ko.

 

 Habang naririnig ko ang kanta, sabay na ring umaalingawngaw ang mga boses nila sa utak ko. Hindi literal, pero sa paraan ng pagkukuwento nila, sa mga reklamo nila, sa pagtawa sa sarili nilang pagkakamali.

 

At doon, sa gitna ng usok ng mantika at kalansing ng tusukan, sa gitna ng init ng fishball at lamig ng gabi, napagtanto koโ€”mas madaling bitbitin ang bigat kapag may karamay. Mas madaling huminga kapag may nagtutulak din saโ€™yong huminga.

 

 Mas madaling sumulong kapag may naglalakad sa tabi mo. Kahit pa sabay-sabay kayong naliligaw paminsan.

 

 Ngayon ko lang ata naamin sa sarili koโ€”nakalayo na rin pala kami. Nakatawid sa mga subject na akala namin lalagpak kami. Naka-survive sa mga araw na puro luha at kape lang ang sandalan. At oo, malayo pa. Pero para sa gabing 'to, sapat na muna ang malapit na samahan, ang tahimik na pahinga, ang saglit na fishball sa tabi ng paaralan.

 

๐—›๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ'๐˜† ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ด๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ...

 

Huminga ako.

 

Ngayon, hindi dahil kailanganโ€”kundi dahil gusto ko.

 

Napansin ko, tumigil na rin ang ibang usapan. Isa-isa silang nag-aayos, nagsasara ng wallet, nagbibilang ng coins. 

 

Biglaang yaya ng isa, "Tara sa bahay ko! May kape pa doon!"

 

Sumang-ayon ang ilan. May nagtatawanan. May nagpaalam nang hindi makakasama. Lahat tila may kanya-kanyang lakad na, pero may iisang galaw. Sama-sama pa rin.

 

Ako, naiwan sa pagkakatayo. Hindi dahil ayaw ko. Pero dahil saglit langโ€”gusto ko pang damhin 'to.

 

'Yung hindi na ako kasing bigat ng kanina.

 

'Yung hindi na lang ako humihingaโ€”buhay na uli ako.

 

Sa dulo ng pandinig ko, bago pa man sila tuluyang lumayo, may narinig akong tinig.

 

Hindi ko na alam kung mula sa kanta, o mula sa kanila.

 

Pero malinaw, buo, at tumama...

 

๐—š๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ?

 

#UpholdingTheCoreTruth 

#CGCIStudPub

Other News

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | CGCI Sportsfest 2025 Boosts Mental Wellness; Team Yellow Strikes Gold

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | CGCI Sportsfest 2025 Boosts Mental Wellness; Team Yellow Strikes Gold

November 26, 2025

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | CGCI Eagles Dominate Opener, Crush BBHS Barons by 60 at the Division Athletic Meet 2025

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | CGCI Eagles Dominate Opener, Crush BBHS Barons by 60 at the Division Athletic Meet 2025

November 26, 2025

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | CGCI and CBRC-Nueva Ecija Conduct Outcome-Based Education (OBE) Syllabus Training and Workshop

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | CGCI and CBRC-Nueva Ecija Conduct Outcome-Based Education (OBE) Syllabus Training and Workshop

November 25, 2025

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | EMPOWERING FUTURE EDUCATORS: CGCI PRE-SERVICE TEACHERS JOIN 19TH EDUKCIRCLE INTERNATIONAL CONVENTION ON EDUCATION

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | EMPOWERING FUTURE EDUCATORS: CGCI PRE-SERVICE TEACHERS JOIN 19TH EDUKCIRCLE INTERNATIONAL CONVENTION ON EDUCATION

November 18, 2025

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | CGCI Holds CREST Ceremony for Incoming BSBA Interns

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | CGCI Holds CREST Ceremony for Incoming BSBA Interns

November 17, 2025

View More >