๐๐๐๐๐๐ | Senior High Dancers, pumangalawa sa Cultural Festival Competition ng Galian 2026
๐๐๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ฎ๐ง๐๐ฌ โ Pumangalawa ang mga mananayaw ng Senior High School (SHS) Department sa Cultural Festival Competition na ginanap ngayong Pebrero 6, 2026, ikalawa at huling araw ng Galian 2026 , sa Core Gateway College, Inc. (CGCI) Grounds.
Iba't ibang departamento ang nakiisa sa kompetisyon na ito kabilang ang SHS, Bachelor of Elementary Education (BEED), Bachelor of Arts in Political Sciences (BAPS), Bachelor of Sciene in Computer Science (BSCS), Bachelor of Secondary Education (BSED), at Bachelor of Science in Business Administration (BSBA).
Sumunod na pinakilala ang mga hurado na sina Christian T. Catingco, Devie Ann Forniz , at Shane Michael Vergel de Dios na siyang magdedesisyon kung sino ang tatanghaling kampeon sa paligsahang ito, binanggit din ang criteria for judging sa Cultural Festival Dance bilang bahagi ng pagdiriwang ng Galian 2026.
Unang nagtanghal ang BEED Department na nagbigay-buhay sa Bambanti Festival sa Isabela Province bilang pag-alala sa pagkakatatag ng probinsya sa karangalan ni Queen Isabela II.
Sinundan ito ng BAPS Department na ipinamalas ang masigla at makulay na Binanog Festival , tinatampok nito ang kultura at tradisyon ng mga Panay Bukidnon, habang ipinakita naman ng BSCS ang masidhing enerhiya ng Ibon-Ebon Festival upang ipagdiwang ang mga migratory bird at ang industriya ng itlog sa lugar.
Pagtapos nito ay nagkaroon ng intermission number ang departamento ng K-6 .
Pang-apat na nagtanghal ang BSED Department na naghandog ng makulay at masining na presentasyon ng Niyog-Niyogan Festival o "Mother of All Festival" sa Quezon, ipinagdiriwang nito ang kasaysayan, kultura, at kabuhayan ng ating mga kababayan sa sektor ng agrikultura.
Sumunod naman dito ang pagtatanghal ng T'nalak Festival na inihandog ng SHS Department ,buong husay nilang ipinamalas ang kultura at tradisyon ng mga Tโboli sa pamamagitan ng masinop na koreograpiya, makukulay na kasuotan, at masiglang indak na umani ng papuri at palakpakan mula sa mga manonood.
Nagtapos ang serye ng pagtatanghal ng BSBA Department na nagpasiklab sa entablado sa kanilang pagganap ng Pintados Festival sa Lungsod Tacloban bilang pag-alaala sa makulay at mayamang kasaysayan at kultura ng mga taga-Leyte at Samar.
Pagtapos ng lahat ng pagtatangghal ng iba't -ibang departamento, naghandog ng isang sayaw ang Junior High School dancers bilang kanilang intermission number .
Bagamat hindi nadepensahan ng SHS dancers ang kanilang trono, ipinakita nila ang mahusay at organisadong pagtatanghal, puno ng kahusayan sa sayaw at pagpapahayag ng kulturang Pilipino.
" Hindi namin inexpect na makukuha pa rin nami ang ikalawang pwesto dahil nagdo-doubt kami sa performance namin, pero sa final performance na po namin, binagay po namin ang best namin," wika ng isang dancer ng SHS na si Mac Dale Jeko R. Enriquez
Samantala, isa sa mga hurado ng kompetisyon na si Devie Ann Forniz ang nagpahayag ng paghanga sa ipinakitang performance ng grupo ng BSED.
"Namukod-tangi ang BSED Dancers dahil sa rhythm, choreography, at ang kanilang mga facial expression, lahat ng criteria of judging nasa sakanila na, sa choreography talaga tayo nagtatalo-talo ,โ ani ng hurado.
Nasungkit ng BSED dancers ang kampeonato, nakuha naman ng BSBA dancers ang ikatlong pwesto at ang Best in Costume Award, habang pang-apat naman ang BEED dancers, BAPS dancers naman ang nakasungkit ng ikalimang pwesto ,at ibinulsa ng BSCS dancers ang ika-anim na pwesto.
Pinahanga ng mga grupo ng mananayaw ang mga manonood at hurado sa kanilang makulay, disiplinado, at makabagbag-damdaming pagtatanghal na nagbigay-pugay sa kulturang Pilipino.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang Cultural Festival Competition sa pagpapakita ng ibaโt ibang festival ng bansa at paghubog sa talento ng mga estudyante.
Ulat ni: Ryza Nichole Riguer
Kuhang Larawan ni: King Gerald Valdez